Paalam Tita Cory… Paalam willie
Paalam Tita Cory..
After sometime ng pagdadalamhati, natanggap ko na nilisan na tayo ng ating kampeon ng demokrasya. Paglisang masakit sa ating mga nagmamahal, lantad man o lihim, sa isang ina na tiningala ng maraming tao, pilipino man o hindi, dahil sa ating mga mata, isa siyang INA na umaruga sa ating lahat sa pamamagitan ng kanyang ehemplo ng katatagan, katapangan at pagmamahal sa Diyos higit sa anu pa man. Paalam Tita Cory…
Paalam willie…
After sometime na hindi na kita nakikita sa TV, natanggap na ata ng mga manonood ng kapamilya network na nilisan mo na ang aming kamalayan. Paglisang nakakatuwa sa amin na nagsasawa na sa iyong pagka-arogante, mayabang, plastic sa mga tao. Hindi ko talaga mapapatawad ang ginawa mo noong a-tres ng agosto. ang pagbabandera mo ng iyong kayabangan sa pagluluksa ng buong bayan ay nakita ng lahat. kung nagdurusa ka sa mga pambabastos mo ay ikaw lang ang nakakaalam niyan. bahala na ang Panginoon sa iyo. Simula ngayon, aalisin na kita sa aking kamalayan. Ako nga pala si petitioner # 33606 to oust willie…
Entries (RSS)