SALAMAT SA BIBIG
kung papapiliin ako, kung ano ang pinakagusto ko sa aking mukha?
Ang aking BIBIG… dahil ito lang ang may kakayahang magbago ng anyo
ANG NGUMITI! Smile naman jan!
Ang mata ay nangungusap din
ngunit ang BIBIG pa rin ang nagsasabi ng mga hangarin
Ang tao hindi mo napapasin
ngunit ang TINIG NG BIBIG kaya mong basahin
BIBIG para sa pagkain at inumin
BIBIG para sa mga tanong na dapat sagutin
BIBIG para sa halik
BIBIG para sa pag-ibig
BIBIG para sa Panalangin.
BIBIG para sa pag-amin
at PAPURI sa iyong kakayahan at kabaitan
sa BIBIG pa rin nanggagaling bulong ng pusong taintim
SALAMAT SA BIBIG HININGA MO’Y
TULOY ANG DALOY…
… sapagkat kung ano ang bukambibig
siyang laman ng dibdib…LUCAS 6:45
WALA ‘YAN SA SUKAT NG BIBIG…
NASA GUMAGAMIT ‘YAN…
Ano bang bukambibig mo?
God bless…

Entries (RSS)