Posts Tagged “hehehe”

The Top 20 Worst Things You’ve seen on T.V.

1. A gay pageant reported by Mark Logan. Host: “Ano ang advantage mo sa iba?” Gay: “I think and believe…na bilang isang napakatalinong bading…ano nga po ulit yun question?”
2. On Eat Bulaga’s “Shes got the look”. Vic: “What is your best asset?” Girl: “Asset? Actress!” Vic: “No, your best ASSET!” Girl: “Ah…asset! Actor!”
3. In a talk show. Host: “Describe your loved one in 3 words.” Guest: “Kahit nga po one word kaya ko!” Host: “Ok, sige! One word!” Guest: (feel na feel) “In one word, MY LIFE!”
4. Funny headlines: “Mga panadero, umalsa!”; “Witness na driver, umatras!”
5. Reporter: “Magpapatis…TINOYO!”
6. Reporter: “Katulong…ayaw tumulong!”
7. A TV host asked a starlet promoting a sexy movie: “How do you feel about getting naked for this movie?” Starlet: “I have no KWANGS about getting naked.”
8. Calendar girl contest on Eat Bulaga. Vic: “How far will you go on a first date?” Girl: “Siguro po…Tagaytay.”
9. Female newscaster reading headlines: “U.S.A. nakaligtas sa yelo!” (long pause…looks off-cam…then looks back at camera) “Usa!!! Usa, nakaligtas sa yelo!!!”
10. Famous actress/TV host while interviewing The Corrs: “Why did you name your band…The Corrs?”
11. A showbiz reporter with a hairlip, during a review of German Moreno’s movie, “Payaso”: “Mulok. Mulok ang Mayaso…”
12. An annoying host asks a girl: ”So what school are you from?” Girl: “St. Scho po.” Host: ”Ah, sa St.Scho Escolar!”
13. Yasmien Kurdi promoting Bakekang: “Wag niyo pong kalilimutan panoorin ang Bakekang. Makikita nyo, magiging pangit ako dito for the first time!”
14. Kuya Germs: “Salamat at pinaunlakan mo kami, Juday. Dahil diyan, may ibibigay kami sa iyo courtesy of Video City. At ito ay… Aircon?!? Aircon!” Juday: “Talaga po? Salamat po!” Kuya Germs: “Ay…’Con Air’ pala! Isang VHS tape ng ‘Con Air’!!!”
15. A starlet was asked: “What’s your edge over the other girls?” Girl: “Edge? 24 years old po.”
16. An episode of Shaider. Lumabas ang monster. Nag-transform si Shaider. Biglang nagsalita ang monster: “AKALA MO CUTE KA!”
17. In a gay pageant reported by Mark Logan. Host: “What’s the one thing that symbolizes happiness for you?” Gay: “Uhm…eggplant po.”
18. A former member of That’s Entertainment who later became an action star: “And now, ladies and gentlemen, the dashing…the debonaire…Lilet.”
19. During an awards show, where the hosts were Roderick Paulate and Manilyn Reynes the announcer goes: “And now…your hosts for the evening…DICK and MANI!”
20. Reporter: “Isang bangkay…natagpuang…PATAY!”

Comments No Comments »

Dearest Mahal,

Mabuhay!

Kumusta ka na, Mahal? Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam kong mabagal ka ring magbasa. Nandito na ko sa Estados Unidos. Pero hindi ko pa maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang address para daw hindi na sila magpalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun nabili ko na shampoo dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi “FOR DRY HAIR” kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa Walmart at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay “YALE”, eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng “YALE”, wise yata ito!

Mahal, mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa “Federal Express” medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.

Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor. Nakakahiya naman kung ipagkakalat ko pa.

May trabaho na pala ako, mayroon akong 500 na tao sa ilalim ko. Ansakit pala mag gupit ng damo sa memorial park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.

Nakapanganak na rin pala ang ate ko, hindi ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie. Pa-loadan mo pala ako kay Aling Suping dun sa Touch Mobile ko na SIM para 15Pesos lang ang 15 minutes. Tatawagan kita. Wala na akong masyadong kwento. Sumulat ka na lang ng madalas. Wag mo ako masyadong isipin dahil baka madapa ko.

Miss na jud kita.

p.s. Papadalhan sana kita ng dollar, kaya lang ay naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha..

Comments No Comments »