Posts Tagged “laughter”

Hirap tayo’ng mga Pinoy sa panahong ito. Ang dami’ng walang trabaho. Ang dami ring halos wala nang makain sa bawat araw. Patuloy sa pagtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin lalung-lalo na ang bigas. Ang pandesal, pumapalo na sa 2.50 bawat piraso. Pero di maipagkakailang hindi natin nakakalimutang tumawa o ngumiti kahit pa gaano kahirap ang buhay. May kasabihan nga na “Laughter is the Best Medicine”. San ka nga ba naman makakakita ng isang lamay na kung saan eh masayang nagkakantahan ang mga nakikiramay maging ang mga kaanak ng yumao? Saan ka rin makakakita ng mga nasunugan na at binaha ay nakukuha pa’ng kumaway at ngumiti sa harap ng camera.? May sira nga ba ang ulo nating mga pinoy?

Isa ang Pilipinas sa pinakasamayang bansa sa buong mundo. Kaya naman di na nakapagtataka kung tumatawa tayo kahit na ubod bigat ng ating problema sa buhay. Para ban’g nadadaan na lang sa tawa ang lahat. Kaya nga bang gamutin ng tawa ang sakit ng isan’g tao’ng nagdurusa sa sakit na kanser? Magagawa ba nitong ibalik ang mga naabong ari-arian ng mga nasunugan? Mabubuhay ba muli ang isa’ng yumao kapag sila’y ating tinawanan? Lulutang ba sa dagat ang MV Princess of the Stars kung tatawanan?

Ilan lang yan sa mga tanong na bigla ko lang naisip ng may makita ako’ng isang ale na tumatawa sa di malamang’ dahilan. Kahit na halatang hirap siya sa buhay dahil sa kalsada siya natutulog kasama ang kanyang asawa’t anak, tila bagang napakasaya pa rin nila. Kita’ng-kita sa kanilang mga mata nung araw na yun ang lubos na kasiyahan. Walang maskara. Totoo ang kanilang nararamdaman.

Kaya naman napag-isip-isip ko na hindi mo kailangang masyado’ng seryosohin ang iyong pasanin sa buhay dahil maaga ka lamang tatanda at mailalagay sa hukay. Kailangan di natin ang minsang magrelax. Kung iniisip mo ngayon na sobrang hirap ka na, isipin mo ang mga batang nasa kalye, ang mga tao’ng grasa na namamalimos, mga baliw sa mental hospital atbp. Mas mahirap pa kaysa sayo ang kanilang sitwasyon pero nagagawa nila itong gamutin.

Kaya smile ka lang. Tawa lang. Mabisang medisina yan sa iyong problema.

Comments No Comments »